Patuloy ang pagbisita ni Mayor Joy sa mga pamilyang tumutuloy sa evacuation centers sa District 5 ngayong araw.
Pinuntahan ng Alkalde ang mga evacuation sites sa mga Barangay ng North Fairview, San Bartolome, at Bagbag upang alamin ang sitwasyon ng mga pamilyang apektado ng #Habagat.
Nakaantabay ang Health Department, Social Services Development Department at ang barangay upang magpaabot ng medical services, hot meals, at matiyak na komportable ang panunuluyan ng mga pamilya sa evacuation centers.
Kasama ng alkalde sa pag-iikot sina District 5 Action Officer William Bawag, City Engineer Atty. Dale Perral, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, at mga barangay councils.




