Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Personal na binisita ni Mayor Joy Belmonte ang 130 pamilyang namamalagi sa evacuation center sa Barangay Roxas habang nananalasa ang #HabagatPH sa Lungsod Quezon.
Tiniyak ng alkalde na bawat pamilya at indibwal na lumikas ay natutugunan lalo na sa pagkain, serbisyong medikal, at mga pangunahing pangangailangan habang sila ay nasa shelter.










