Magdamag na bumisita si Mayor Joy Belmonte sa ilan sa mga evacuation center upang personal na kumustahin ang mga QCitizens na lumikas dahil sa pananalasa ng Southwest Monsoon o Habagat.
Inalam rin ng alkalde ang mga pangangailangan na maaari pang ibigay ng pamahalaang lungsod sa mga pamilyang apektado ng matinding pagbaha katulad ng karagdagang modular tents, gensets, portable showers, portalets, at iba pa.
Nauna nang namahagi ng hot meals ang Social Services Development Department (SSDD) habang patuloy na mino-monitor ng City Health Department ang kalagayan ng mga evacuees.
Nakaalerto ang mga tauhan ng SSDD, CHD, at mga barangay upang matiyak ang kaligtasan, kalusugan, at kaginhawaan ng mga pamilya sa evacuation centers.




