Patuloy na nakabantay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng QCitizens na kasalukuyang namamalagi sa mga evacuation center sa lungsod.
Sa Brgy. Doña Imelda, nasa 274 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa BDRRMO Bldg. ng barangay, habang nasa 79 katao naman ang nasa Bernardo Multipurpose sa Brgy. Kamuning.
Lumikas rin ang aabot sa 194 indibidwal mula sa Brgy. Old Capitol Site na kasalukuyang tumutuloy sa gymnasium ng barangay at Masaya Rillo Bldg.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.




