Tuloy-tuloy ang pagkalinga ng lungsod sa mga QCitizen na apektado ng pananalasa ng Habagat o Southwest Monsoon.
Nagbibigay ng agarang tulong ang lokal na pamahalaan sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center, kabilang sa Katipunan at Apolonio Samson.
Tinitiyak ng Office of the City Mayor (OCM), Social Services and Development Department (SSDD), at barangay na naibibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng evacuees.
Tinutugunan naman ng QC Health Department (QCHD) ang mga pangangailangang medikal ng mga residente.
Patuloy namang naka-monitor ang buong QCDRRMC para tiyaking ligtas ang mga residente mula sa epekto ng Habagat.
Para sa emergencies at kung kinakailangan ng tulong, maaaring tumawag sa Helpline 122.




