Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy ang pag-alalay ng Pamahalaang Lungsod sa kalagayan at pangangailangan ng mga residenteng pansamantalang nananatili sa evacuation center dahil sa epekto ng Habagat.
Mahigit 300 pamilya ang kasalukuyang nasa evacuation center sa Barangay Quirino 2-A, habang 355 pamilya naman ang nasa Barangay Tatalon.
Tuloy-tuloy din ang paghahatid ng hot meals, at pagbibigay ng health services sa evacuees, kabilang ang agarang pagbibigay ng gamot laban sa leptospirosis.
Tinitiyak naman ng Social Services Development Department (SSDD) ang maayos na kalagayan ng evacuees, katuwang ang QC Health Department, District Action Offices, at mga barangay.










