Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte ang kapakanan ng mga apektadong QCitizens na pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation centers dulot ng pananalasa ng Bagyong #KristinePH sa Lungsod Quezon.

Binisita ng alkalde ang pitong evacuation sites na may 1,000 pamilyang namamalagi mula sa mga Barangay ng Bagong Silangan, Apolonio Samson, Balingasa, Manresa, Tatalon, at Roxas.

Kumpleto rin ang tugon ng lokal ng pamahalaan at ng mga barangay sa evacuees, partikular na sa pamamahagi ng pagkain, grocery packs, bigas, gamot, libreng check-ups, at maayos na matutuluyan.

Kasama ni Mayor Joy sa pag-iikot sina Chief of Staff Rowena Macatao, Social Services Development Department OIC Carolina Patalinhog, Coun. Candy Medina, Coun. Nanette Daza, FCoun. Vincent Belmonte, dating Konsehal Ivy Lagman, mga punong barangay at district action officers.

#TayoAngQC

+53