Evacuation Update as of July 22, 2025 | 1:00 PM
Bilang pag-iingat sa pagbaha na dulot ng walang tigil na pag-ulan bunsod ng #Habagat, mayroong itinalagang evacuation sites sa mga piling lugar na bahain o may banta ng landslide para sa ligtas at mabilis na paglikas.
Sa kasalukuyan, nasa 10,334 pamilya o 35,774 indibidwal na ang inilikas at namamalagi sa evacuation sites sa ating lungsod.
Para sa emergency, tumawag sa QC HELPLINE 122.




