Evacuation Update as of November 10, 2025 | 8:00 AM
Bilang pag-iingat sa pagbaha na sanhi ng mga pag-ulan dulot ng Bagyong #UwanPH, mayroong itinalagang evacuation sites sa mga piling lugar na bahain o may banta ng landslide para sa ligtas at mabilis na paglikas.
Sa kasalukuyan, nasa 8,745 pamilya o 31,364 indibidwal ang inilikas at namamalagi sa evacuation sites sa ating lungsod.
Para sa emergency, tumawag sa Quezon City HELPLINE 122.








