Evacuation Update as of October 25, 2024 | 11:00 AM
Bilang pag-iingat sa pagbaha na dulot ng walang-tigil na pag-ulan bunsod ng Bagyong #KristinePH, mayroong itinalagang evacuation sites sa mga piling lugar na bahain o may banta ng landslide para sa ligtas at mabilis na paglikas ng humigit-kumulang 2,833 na pamilya o 10,019 na indibidwal sa ating lungsod.
Para sa emergency, tumawag sa Quezon City Helpline 122.


