Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Evacuation Update as of November 9, 2025 | 11:00 AM
Bilang pag-iingat sa pagbaha na sanhi ng mga pag-ulan dulot ng Bagyong #UwanPH, mayroong itinalagang evacuation sites sa mga piling lugar na bahain o may banta ng landslide para sa ligtas at mabilis na paglikas.
Sa kasalukuyan, nasa 384 pamilya o 1,481 indibidwal ang inilikas at namamalagi sa evacuation sites sa ating lungsod.
Para sa emergency, tumawag sa Quezon City HELPLINE 122.




