Evacuation Update as of July 21, 2025 | 11:00 PM
Bilang pag-iingat sa pagbaha na sanhi ng mga pag-ulan dulot ng Habagat, mayroong itinalagang evacuation sites sa mga piling lugar na bahain o may banta ng landslide para sa ligtas at mabilis na paglikas.
Sa kasalukuyan, nasa 7,259 pamilya o 24,254 indibidwal na ang inilikas at namamalagi sa evacuation sites sa ating lungsod.
Para sa emergency, tumawag sa QC HELPLINE 122.




