Evacuation Update as of July 20, 2025 | 12:30 AM
Bilang pag-iingat sa pagbaha na sanhi ng mga pag-ulan dulot ng Habagat at Bagyong #CrisingPH, mayroong itinalagang evacuation sites sa mga piling lugar na bahain o may banta ng landslide para sa ligtas at mabilis na paglikas.
Sa kasalukuyan, nasa 556 pamilya o 1,938 indibidwal na ang inilikas at namamalagi sa evacuation sites sa ating lungsod.
Para sa emergency, tumawag sa HELPLINE 122.
