Pansamantalang tumutuloy sa Brgy. Damayang Lagi Evacuation Center: Trinity University of Asia ang 117 pamilya, na binubuo ng 520 na mga indibidwal na lumikas bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng bagyong #KristinePH.

Patuloy namang nakaantabay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Social Services Development Department (SSDD), Office of the City Mayor (OCM), QC Health Department (QCHD), Department of Public Order and Safety (DPOS), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay upang umalalay sa mga QCitizen na nangangailangan ng agarang tulong.

Para sa emergencies, tumawag sa Quezon City Helpline 122.

+5