Pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Doña Imelda Covered Court ang 5 pamilya na binubuo ng 18 indibidwal dulot ng malakas na pag-ulan dala ng Bagyong #KristinePH.
Nakaantabay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), katuwang ang Social Services Development Department (SSDD), Office of the City Mayor (OCM), QC Health Department (QCHD), Department of Public Order and Safety (DPOS), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay, upang umalalay sa mga QCitizen na nangangailangan ng agarang tulong.
Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa Quezon City Helpline 122.