Nailikas ang 6 na pamilya o 23 indibidwal sa Brgy. Old Capitol Site at kasalukuyang nasa covered court na nagsisilbing evacuation site ng barangay.
Namahagi na rin ang lokal na pamahalaan ng pagkain, tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan ng evacuees.
Buong pwersang nakabantay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Social Services Development Department (SSDD), Office of the City Mayor (OCM), QC Health Department (QCHD), Department of Public Order and Safety (DPOS), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng QCitizens sa bagyong #KristinePH.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.