Nakauwi na ang limang pamilyang lumikas sa barangay hall ng Brgy. Pinyahan bunsod ng pananalasa ng Bagyong #KristinePH.

Binigyan na rin sila ng food packs ng lokal na pamahalaan, katuwang ang mga opisyal ng barangay.

Patuloy sa pagbabantay ang iba-ibang ahensya ng Pamahalaang Lungsod para matiyak na natutugunan ang mga pangangailangan ng QCitizens na naapektuhan ng bagyo.

#StaySafeQCitizens