Sa tala ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) nitong 8:13AM, umabot na sa 113 na pamilya o 300 indibidwal mula Brgy. Roxas ang pansamantalang nanunuluyan sa Roxas Gymnasium at Holy Family Parish bunsod ng Bagyong #KristinePH.
Patuloy namang nakaantabay ang QCDRRMO, Social Services Development Department (SSDD), Office of the City Mayor (OCM), QC Health Department (QCHD), Department of Public Order & Safety (DPOS), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay para umalalay sa mga QCitizen na nangangailangan ng agarang tulong.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.