Nasa 240 pamilya at 747 indibidwal ang pansamantalang tumutuloy sa Diosdado P. Macapagal Elementary School, Barangay Tatalon na nagsisilbing evacuation center para sa mga QCitizen na naapektuhan ng Bagyong #KristinePH.

Tinitiyak ng ating lokal na pamahalaan at patuloy na nakaantabay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Social Services Development Department (SSDD), Office of the City Mayor (OCM), QC Health Department (QCHD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at District Action Offices, at mga opisyal ng barangay para sa puspusang pagtugon para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.