Umabot na sa 300 na pamilya o 1,215 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa Diosdado P. Macapagal Elementary School, Barangay Tatalon na nagsisilbing evacuation center para sa mga QCitizen na naapektuhan ng Bagyong #KristinePH.

Patuloy namang nakaantabay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Social Services Development Department (SSDD), Office of the City Mayor (OCM), QC Health Department (QCHD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at District Action Offices, at mga opisyal ng barangay upang tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.