Nasa 1,500 na indibidwal ang panandaliang tumutuloy sa Diosdado P. Macapagal Elementary School dahil sa epekto ng Bagyong #KristinePH sa Lungsod Quezon.
Kumpleto rin ang hot meals na ibinigay sa kanila mula almusal, tanghalian, at hapunan.
Namahagi naman ang QC Health Department ng mga vitamins, supplements, at doxycycline para makaiwas leptospirosis ang mga evacuees.