Para sa mga event organizer na nais magdaos ng pagtitipon tulad ng community services, community pantry at mga humanitarian activities tulad ng medical mission at food and cash assistance, i-download at punan ang Event Coordination Form na nasa ibaba at ipasa ng limang (5) araw bago ang inorganisang pagtitipon.

Alinsunod sa direktiba ni Mayor Joy Belmonte, lahat ng organizers na nais magdaos ng mga aktibidad ay kinakailangang ipagbigay-alam sa pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Department of Public Order and Safety ang mga detalye upang masigurong masusunod ang minimum health protocols.

I-download ang event coordination form dito:
EVENT COORDINATION FORM

Pagkatapos sagutan ang form, ipadala lamang sa dpos@quezoncity.gov.ph.