Ginawaran ng Excellence Award for Government Streaming ang Quezon City Public Affairs and Information Services Department (PAISD) sa prehistiyoso at kauna-unahang Asia Pacific Broadcasting+ Awards 2023 na ginanap sa Singapore ngayong gabi, June 8.
Ito ay bilang pagkilala sa programang “Usapang QC”, ang kauna-unahang government-led bi-monthly talk show sa bansa na umeere sa Quezon City Government Facebook page.
Malaki ang naging tulong ng programa upang makapaghatid ng impormasyon tungkol sa iba-ibang serbisyo at programa ng ating lokal na pamahalaan.
Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang parangal kasama si PAISD Head Engelbert Apostol.
Bukod sa QCPAISD ay tumanggap din ng apat na tropeo ang ABS-CBN, at tig-isa ang GMA-7 at Cignal TV.