ABISO MULA SA MMDA
Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme ngayong araw, October 23, 2024 (Miyerkules).
Ito’y kasunod ng anunsyo ng Malacañang na walang pasok sa lahat ng government offices at klase sa lahat ng antas sa buong Luzon dahil sa bagyong #KristinePH.