Ngayong Biyernes sa #ExploreQC, tampok namin ang dalawang eco-stores na layong itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan. ![]()
![]()
Ang Back to Basics Eco-store at Maginhawa St. Eco-store ay dalawang refillery grocery na nagbebenta ng eco-friendly at tingi-tinging produkto. Sa pamamagitan nito, naiiwasan ang paggamit ng mga single use plastic.
Mapa-sabon, pampalasa, mixed fruits, coffee, recycled clothes, o mantika ay tiyak na meron sila dito! ![]()
![]()
Karamihan sa kanilang ibinibenta ay artisan at homemade products na sumusuporta sa mga maliliit na negosyo sa Q.C. ![]()
Matatagpuan ang Back to Basics Ecostore sa
#30 Maginhawa St. UP Village, Q.C. habang ang Maginhawa St. Eco-store naman ay sa
#16 Maginhawa St. UP Village, QC.
Maging eco-warrior ka, QCitizen! ![]()
![]()
![]()
Sa QC we support local businesses.
Panoorin ang Back to Basics Ecostore at Maginhawa St. Eco-store video tour ng Explore QC sa Tiktok: https://www.tiktok.com/@quez…/video/7330549056927829256…
I-follow ang Tiktok ng QC Government:
https://www.tiktok.com/@quezoncitygovt








