Annyeonghaseyo, QCitizens! Tampok ngayong Biyernes sa #ExploreQC ang unlimited Korean Samgyupsal ng Gogii Yolii na matatagpuan sa
#67 Timog Ave. Corner, Brgy. South Triangle, Q.C.
Maaliwalas ang kanilang resto, at may lugar din para sa furparents na kasama ang kanilang furbabies.
Para naman sa mga naghihintay ng mauupuan, may free chips and drinks sila habang nakapila.
Madaming options na pagpipilian sa kanilang menu. May pork, beef, chicken, at seafood na good quality, may side dishes pa na sobrang dami! Meron din silang bago sa menu na Gy Supreme na unlimited ramyeon and K-BBQ.
Bukas sila araw-araw mula 9:00 AM hanggang 11:00 PM.
Panoorin ang Gogii Yolii video tour ng Explore QC sa Tiktok: https://vt.tiktok.com/ZSNuqmsQ1/
I-follow ang Tiktok ng QC Government: https://www.tiktok.com/@quezoncitygovt
In QC, we support local businesses!




