Ngayong Biyernes sa ating #ExploreQC, πŸ‘£ pasyalan natin ang newly-reopened Phase 1 ng La Mesa Ecopark. πŸƒπŸ‚

Bukod sa sariwang hangin at malawak nitong espasyo, mayroon din ditong picnic area, spill way viewing deck, team building area at park trail. πŸ’― Sa activity area naman mayroong forest paintball, archery tag, wall climbing, at rapelling. ✨ Pwede ring rentahan ang kanilang Eco Academy Pavillion para sa mga conference, seminar, practice, atbp.

20 pesos ang entrance fee para sa mga non-QCitizen at libre namang makakapasok ang mga QCitizen, magdala lang ng ID na naka-address sa Quezon City. πŸ˜ŠπŸ‘πŸ»

Matatagpuan ito sa πŸ“ La Mesa Ecopark, Greater Lagro, Quezon City. Bukas ito mula Martes hanggang Linggo, 7:00AM – 4:00PM. ⏱

Panoorin ang La Mesa Ecopark video tour ng Explore QC sa Tiktok: https://www.tiktok.com/@quez…/video/7398403571319917840…

I-follow ang Tiktok ng QC Government:

https://www.tiktok.com/@quezoncitygovt

#ExploreQC

#QC85th

#TayoAngQC

+31