QCitizens, let’s Explore QC!
Napakaraming lugar sa Quezon City ang pwedeng pasyalan para mag food trip, maglibang o di kaya ay pagyamanin ang kaalamang pangkultura.
Ang mga lugar na ‘yan ang aming itatampok kada linggo dito sa Explore QC!
Umpisahan natin ang ating paglalakbay sa Quezon Memorial Circle kung saan matatagpuan ang bahay ng ating dating pangulong Manuel L. Quezon, ang Quezon Heritage House.
Libre ang entrance at bukas ito sa publiko tuwing Martes hanggang Linggo, 9:00 AM – 4:00 PM.
Panoorin ang Heritage House video tour ng Explore QC sa Tiktok: https://vt.tiktok.com/ZS8aHkt1t/
I-follow ang Tiktok ng QC Government: https://www.tiktok.com/@quezoncitygovt