Personal na iniabot ni Mayor Joy Belmonte katuwang ang Social Services Development Department ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa 72 pamilyang apektado ng sunog sa Barangay Manresa noong Enero 6, habang 27 pamilya naman na nasunugan mula sa Barangay Paltok noong Enero 7.
Nakatanggap mula sa lungsod ng P10,000 ang mga owners at P5,000 naman ang renters or sharers.