Personal na ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang tulong pinansiyal sa 69 pamilya na naging biktima ng sunog sa Brgy. Fairview noong July 1.
Nakatanggap ang bawat pamilya ng P10,000 para sa mga houseowner at P5,000 naman sa mga sharer o renter. Nakiisa sa pamamahagi ang Social Services Development Department at ang pamunuan ng barangay sa pangunguna ni Kap. Jonel Quebal.