Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations, Quezon City! ![]()
Pinarangalan ang Lungsod Quezon bilang Extraordinary Disability-Inclusive City sa Biennial Recognition Award Program ng National Council on Disability Affairs (NCDA), bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-48th National Disability Rights Week.
Ipinrisinta ni Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Deborah Dacanay kay Mayor Joy Belmonte ang natanggap na parangal.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod sa pagsusulong ng inklusibong lipunan, accessible na serbisyo, at sa pagbibigay ng maayos at pantay na serbisyo para sa persons with disabilities.






