Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC, DISABILITY-INCLUSIVE CITY! ![]()
Ikinatuwa ni Mayor Joy Belmonte ang iginawad na Extraordinary Disability-Inclusive City award sa lungsod mula sa National Council on Disability Affairs (NCDA) bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-48 National Disability Rights Week.
Kinilala sa Biennial Recognition Award Program ng NCDA ang Lokal na Pamahalaan dahil sa patuloy na pagsusulong ng mga inklusibong programa na kumakalinga sa mga persons with disabilities.
Para kay Mayor Joy, ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagkilos ng QC Government, mga partnered organizations, at mga persons with disabilities na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa QC bilang isang inklusibong lungsod.








