Quezon City is an Extraordinary Disability-Inclusive City!
Isa na namang karangalan para sa Lungsod Quezon!
Kinilala ang Quezon City bilang Extraordinary Disability-Inclusive City sa Biennial Recognition Award Program ng National Council on Disability Affairs (NCDA), na ginanap ngayong ika-48th National Disability Rights Week.
Ang Biennial Recognition Award Program, na ginaganap tuwing dalawang taon, ay nagbibigay-pagkilala sa mga indibidwal na may kapansanan at mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng natatanging tagumpay sa pagsusulong ng inclusivity at pagbibigay ng huwarang serbisyo para sa persons with disabilities.
Patunay ang pagkilalang ito sa patuloy na pagsusulong ng Lungsod Quezon ng mga programang nagbibigay ng pantay na oportunidad, accessible na serbisyo, at inklusibong pamayanan para sa lahat ng persons with disabilities.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Quezon City Government sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), mga partner organizations, at higit sa lahat, ng ating mga persons with disabilities na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating lungsod.









