Paalala mula sa Quezon City Epidemiology & Disease Surveillance Unit
Bagamat idineklara na ng World Health Organization ang pagtatapos ng Covid-19 Public Health Emergency, hindi pa rin tuluyang nawawala ang Covid-19 sa ating mga komunidad.
Kaya naman mahalaga pa rin ang pagsusuot ng facemask sapagkat nagbibigay ito ng karagdagang proteksyon laban sa iba-ibang virus o sakit sa ating paligid.
Hinihikayat po ang lahat, bakunado man o hindi, may sintomas man o wala, na patuloy na magsuot ng facemask.
Mag-ingat po tayo, QCitizens!







