Ginanap sa Quezon City Science High School ang Facilitators-in-Formation 2026, na isinagawa ng Scholas Occurrentes sa pakikipagtulungan ng Schools of Encounter Foundation, Inc. (SEFI), kasama ang Quezon City Youth Development Office (YDO), Schools Division Office of Quezon City (SDO QC), at Quezon City University (QCU).
Sa pamamagitan ng dialogue circles, reflection, at participatory activities, naranasan ng mga educators at youth advocates ang diwa ng Culture of Encounter at paghahanda para sa pagbuo ng Scholas Clubs, mga espasyong nagbibigay-halaga sa boses, karanasan, at pakikilahok ng kabataan.
Maraming salamat sa Scholas Occurrentes, SEFI, at sa lahat ng participants sa inyong pakikiisa at pagbabahagi sa makabuluhang formation experience na ito.
Sama-sama nating palawakin ang Culture of Encounter para sa kabataan.










