Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Masayang inilunsad ng Social Services Development Department (SSDD) ang Family Day activity sa Quezon City Hall Compound, na may temang “Polisiyang Makapamilya Tungo sa Higit na Matatag, Maginhawa, at Panatag na Pamilyang Pilipino.”
Nag-enjoy ang mga pamilyang benepisyaryo ng SSDD na nakibahagi sa mga activities sa Family Day.
Kabilang sa mga naging panauhin sina Ginno Corral ng ECPAT Philippines, na nagbahagi ng mahahalagang pananaw ukol sa digital parenting.
Nanguna sa aktibidad si SSDD OIC Ma. Lorelei M. Salvador at iba pang kawani ng departamento.










