Skip to main content

Saan makukuha ang mga forms ng Pangkabuhayang QC?

Ang forms sa Pangkabuhayang QC ay makukuha online o sa opisina ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).

Paano sagutan ang Pangkabuhayang QC Application Form?

Ang form ay hindi hihigit sa limang (5) pahina. Ang unang pahina ay para sa mga detalye o impormasyon tungkol sa beneficiary. Ang pangalawang pahina ay ang survey form. Ang pangatlo hanggang panlimang pahina ay ang Business Plan. Ang forms ay sasagutan sa pamamagitan ng sulat kamay gamit ang ballpen. Kung maaari ay bawasan ang bura sa forms at huwag mag-iiwan ng blanko.

Ano ang ilalagay na address sa form?

Ilagay ang kasalukuyang tinitirhan na address. Dapat ito ay dito lamang sa Quezon City.

Anong ilalagay na cellphone number?

Ilagay ang ginagamit at natatawagang cellphone number. Kayo po ay aming tatawagan/itetext tungkol sa inyong Pangkabuhayang QC application.

Anong gagawin pagkatapos pirmahan ang form?

Pagkatapos pirmahan ang form ay maaari lamang na ipasa o ibigay ito sa empleyado ng QC- SBCDPO para sa interview at checking ng required documents.

Sino ang matuturing na “QC LGU Employee?”

Siya ay nagtatrabaho (permanent, contractual, or job order) at sineswelduhan ng QC LGU ng minimum wage buwan-buwan. Ang mga barangay employee rin ay tinuturing QC LGU employee.

Ano-ano ang tinatanggap na “Government-issued ID”?

  1. Social Security System (SSS) Card
  2. Government Service Insurance System (GSIS) Card
  3. Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
  4. Land Transportation Office (LTO) Driver’s License
  5. Professional Regulatory Commission (PRC) ID
  6. Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID
  7. Senior Citizen ID
  8. Valid or Latest Passport
  9. Tax Identification Number
  10. Barangay Certificate

Anu-ano ang mga kailangan ipasang papeles?

A. For displaced/resigned/reduced salary employees

  1. Completed Application Form and Business Plan
  2. QCitizen ID
  3. At least one (1) Government-issued ID
  4. Notice of Termination
  5. For reduced salary employees, include the pay slip
  6. Pangkabuhayang QC Certificate signed by Barangay

B. Pangkabuhayang QC Certificate signed by Barangay

  1. Completed Application Form and Business Plan
  2. QCitizen ID
  3. At least one (1) Government-issued ID
  4. Attach pictures of the existing business
  5. For vendors, Hawker’s Permit issued by MDAD
  6. Pangkabuhayang QC Certificate signed by Barangay

C. Laid-off OFWs

  1. Completed Application Form and Business Plan
  2. QCitizen ID
  3. Passport
  4. Visa (if applicable)
  5. Pangkabuhayang QC Certificate signed by Barangay

D. PWDs

  1. Completed Application Form and Business Plan
  2. QCitizen ID (PWD)
  3. At least one (1) Government-issued ID
  4. Pangkabuhayang QC Certificate signed by Barangay

E. Unemployed solo parents

  1. Completed Application Form and Business Plan
  2. QCitizen ID
  3. Solo Parent ID (In the absence of Solo Parent ID, please submit a Certificate from SSDD or Barangay)
  4. At least one (1) Government-issued ID
  5. Pangkabuhayang QC Certificate signed by Barangay

Saan makakakuha ng QCitizen ID?

Maaari lamang na bisitahin ang QCeServices website sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/ at mag-register para makapagpatuloy sa pagsagot ng mga tanong doon. Kung kayo ay may account na, maaari lamang na mag-log-in.

Kailangan po bang makumpleto ang form bago ipasa?

Opo. Kailangang makompleto ang mga attachments (required documents) bago po ipasa sa amin kasama ang form. Ito ay para maiwasan ang pabalik balik na transaksyon sa aming opisina dahil sa sitwasyon po natin ngayon. Ang hindi kumpletong sagot ay makakaapekto sa assessment na gagawin ng assessment team.

Ano ang makukuha sa Pangkabuhayang QC? Ito ba ay pera o materials?

Ang matatanggap ay PERA or CASH.

Ang training ba ay mandatory?

Opo. Kung ang inyong napiling kategorya ay may training, kailangang dumalo sa training bago maibigay ang pera mula sa Pangkabuhayang QC.

Gaano katagal ang hihintayin para sa pagproseso ng Pangkabuhayang QC?

Pagkapasa ng Pangkabuhayang QC Forms, itetext/tatawagan kayo ng SBCDPO staff para i-confirm ito. Maaaring maghintay lamang ng ilang araw para sa text/tawag ng aming staff.

Kapag nakapag-submit na ng application, ano ang susunod na gagawin?

Paki-download at paki-print po ang PDF file ng inyong application para ma-submit ang hard copy nito kasama ang mga supporting documents sa SBCDPO, 7th Floor, Civic Center A, Quezon City Hall Compound. HINDI PO TATANGGAPIN KAPAG MAY KULANG SA APPLICATION FORM O DOCUMENTS.

Paano kung hindi makakuha ng notice of termination mula sa dating employer?

Tatanggapin po ang kopya ng lumang company ID o certification mula sa barangay na kasalukuyang walang trabaho bilang kapalit.

Ano ang gagawin kung hindi masimulan ang application sa Pangkabuhayang QC dahil hindi pa inapprove ang QC ID?

Paki-bigay po sa amin ang inyong buong pangalan at reference number para malaman ang status ng inyong QC ID application.

Award 2
Award 1
Stevie Awards - Asia Pacific 2024 Gold Winner
Seal of Registration - National Privacy Commission
Seal of Certification TUV Rheinland ISO 9001:2015
Skip to content