Skip to main content

Ano ang mga sintomas ng Pertussis o Whooping Cough?

Karaniwang nagkakaroon ng mga sintomas ng whooping cough sa loob ng lima hanggang 10 araw pagkatapos ma-expose sa bacteria na sanhi nito. Minsan, ang mga sintomas ay hindi lumalabas nang hanggang tatlong linggo.

Ang mga sumusunod na paunang sintomas ay kadalasang tumatagal ng isa hanggang dalawang linggo:

  • Runny nose
  • Low-grade Fever (Mababa sa 38C)
  • Mild occasional cough
  • Apnea (biglaang pagtigil sa paghinga)

Ang mga may whooping cough ay maaaring mag-develop ng paroxysms o mabilis at hindi makontrol na pag-ubo. Tumatagal ito ng isa hanggang anim na linggo:

  • Pagsusuka habang o pagkatapos ng malalang pag-ubo
  • Hirap sa paghinga
  • Panghihina
  • Whoop sound sa bawat paghinga

Ano ang mga kadalasang sanhi ng Pertussis o Whooping Cough?

  • Person-to-person transmission sa pamamagitan ng respiratory droplets o contact sa airborne droplets (hal. pag-ubo o pagbahing)
  • Exposure sa fomites
  • Pinaka-nakakahawa hanggang humigit-kumulang 3 linggo pagkatapos magsimula ang ubo, at maraming bata na nahawahan ng impeksyon ay may mga ubo na tumatagal ng 4 hanggang 8 na linggo.

Paano maiiwasan ang Pertussis o Whooping Cough?

Ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang whooping cough ay sa paraan ng pagpapabakuna gamit ang pertussis shot o Pentavalent vaccine.

Ibinibigay ito sa mga sanggol tuwing sa kanilang ika-anim, ika-10, at ika-14 na linggo. Maituturing na immunized ang bata o sanggol kapag nakumpleto ang tatlong bakuna nito.

Maaaring maiwasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng:

  • Pagpapabakuna 
  • Pagsunod sa tamang respiratory hygiene: Takpan ang iyong bibig at ilong kapag umuubo o bumahing 
  • Gumamit ng tissue o wipes
  • Itapon sa wastong tapunan ang mga ginamit na tissue o wipes
  • Iwasan ang pag-ubo sa kamay dahil madaling kumalat ang mga mikrobyo dito
  • Ugaliing maghugas ng kamay o mag-sanitize

Para sa mga health worker at pasyente:

  • Magsuot ng facemask, sundin ang respiratory hygiene.


Kung nakararanas ng mga sintomas, agad pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital sa inyong lugar para magpakonsulta.

Saan maaaring makipag-ugnayan tungkol sa sakit na ito?

Makipag-ugnayan sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Division

Office Hours:
8:00 A.M. to 5:00 P.M.


Telephone Nos.:

8703-2759

8703-4398

0999-229-0751

0908-639-8086

0931-095-7737

0919-067-0907

0999-228-7312


Email address:
QCSurveillance@quezoncity.gov.ph

Award 2
Award 1
Stevie Awards - Asia Pacific 2024 Gold Winner
Seal of Registration - National Privacy Commission
Seal of Certification TUV Rheinland ISO 9001:2015