Q: Ano po and wastong pag-aalaga PAGKATAPOS mapakapon ang alaganga so at pusa?
- Sundin at ipainom ang resetang gamut na ibinigay ng Beterinaryo.
- Siguraduhin na hindi madilaan ng ating mga alaga ang sugat.
- Ikulong o itali muna at huwag paglalaruin hanggat hindi pa tuluyang hilom ang sugat ng pagkakapon.
- Huwag paliguan hanggat hindi pa tuluyang hilom ang sugat.
Q: Mayroon po bang pagkakapon sa QC Hall?
A: Wala po, libreng maramihan na pagkakapon sa bawat Barangay an gaming serbisyo.
Q: Mayroon po bang libreng pagpupurga?
A: Wala po, para sa mga pagpupurga o mga ibang bakuna gaya ng 5in1 a private clinics nap o dalhin. Libreng Anti Rabies lang po ang mayroon sa QC Hall.
Q: Mayroon po bang libreng konsulta para sa aso at pusa?
A: Mayroon po kaming libreng konsulta, dalhin ang alagang aso at pusa sa QC Hall Civic Center A, 8 ng umaga hanggang 3 ng hapon, subalit kung kinakailangan na ipa laboratory test o iba pa, sa private clinics na lang po dalhin.
Q: Mayroon po bang libreng microchipping?
A: Sa ngayon po ay wala pa tayong microchipping, mag abang sa aming anunsyo patungkol dito.
Q: Paano po magpabakuna ng Libreng Anti Rabies para sa aso at pusa sa QC Hall?
A: Dalhin ang alagang aso at pusa sa QC Hall Civic Center A Lunes hanggang Biyernes maliban kung holidays, 8 ng umagang hanggang 3 ng hapon.
Q: Ano po ang requirements na kailangan dalhin?
A: Wala po, dalhin lang ang alaga sa QC Hall, siguraduhin na naka tali o nasa kulungan upang maiwasan na makatakas ang ating mga alaga, hindi nap o kailangan mag pa appointment, walk-in lamang at sagutan ang log book form na ibbigay ng vaccinator.
Q: Tuwing Kailan dapat pabakunahan ang alagang aso at pusa?
A: Pabakunahan TAON-TAON o kada 6 buwan ang alagang aso at pusa.
Q: Ano ang mga dapat tandaan BAGO pabakunahan ang aso at pusa?
A: Siguraduhing nsa TATLONG buwan o pataas ang edad n gating mga alagang aso at pusa, malusog, nsa magandang pangangatawan, walang sakit, hindi payat, hindi buntis, hindi nagpapagatas at walang iniinom na kahit anong gamut para sa sakit.
Q: Ano ang dapat gawin PAGKATAPOS mabakunahan ang alagang aso at pusa?
A: HUWAG PALIGUAN ng ISANG Linggo ang aso at pusa, huwag masyado laruin at pagpahingahin lamang sa bahay. Huwag kalimutan kunin ang Vaccination ACrd, itabi at sagutan ang lahat ng impormasyon tungkol sa inyong alaga.
Q: Paano ang libreng pagkakapon ng alagang aso at pusa?
- Dapat ay naka tali o nasa kulungan ang ating mga alaga kapag dinala sa lokasyon na anunsiyo ng Baranagay.
- Basahin maigi ang consent form para sa pagpapakapon, ang QCVD ay nag seserbisyo ng kalidad na pagkakapon, walang pre-screening blood test na ginawa sa inyong mga laga kung kayat maaring tanggihan kung hindi pumasa sa physical assessment ng mga Beterinaryo ng QCVD.
- Siguraduhing nasa ANIM na buwan o pataas ng edad ng ating mga alaga, malusog, walang sakit, hindi payat, hindi buntis, hindi nagpapagatas, 3 buwan nakalipas matapos manganak at walng iniinom na kahit anong gamut para sa sakit. Huwag pakainin 8 oras bago ang schedule ng operasyon.
Q: Paano magpabakuna ng librneg Anti Rabies para sa aso at pusa sa maing Barangay?
A: Tingnan kung may naka post na schedule sa aming FB page para sa inyong Barangay. Makipag ugnayan sa inyong Barangay para sa eksaktong oras at lugar.
Q: Ano ang mga alituntunin kapag nagpabakuna sa Barangay?
A: Dapat ay may tali o nasa kulungan ang ating mga laga para maiwasan makawala, magdala ng sariling ballpen, pumila ng maayos, sundin ang social distancing, magsuot ng face mask at face shield.