Skip to main content

Bakit kailangan muling ipatupad ang 2017 rate sa binabayarang real property tax (RPT) sa Quezon City?

Sa huling paalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Finance (DOF), inaatasan ang lokal na pamahalaan na pairalin ang revised fair market value ng mga lupa, na sa Quezon City ay nakabatay sa 2017 fair market value alinsunod naman sa Ordinance No. SP-2556 series of 2016.

Nasimulan na itong ipatupad noong 2017 ngunit pansamantalang nahinto bunsod ng temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema na tumagal mula April 2017 hanggang September 2018.

Mula 2018 hanggang 2022, naglabas naman ng mga ordinansa ang konseho na nagsususpinde sa patuloy na implementasyon nito bilang pag-unawa sa socio-economic condition ng bawat QCitizen at kalauna’y dahil sa epekto ng pandemya.

Ayon pa sa QC Treasurer’s Office, bago ang pag-update sa rate ng amilyar noong 2017, 1996 pa nang huling magpatupad ng pagbabago sa binabayarang amilyar sa Lungsod Quezon. Ito ay pagsunod na rin sa probisyon ng local government code kung saan nakasaad na dapat magkaroon ng pagbabago/pag-update sa fair market value tuwing ikatlong taon (every 3 years).

Ipapatupad din ba ito sa ibang lungsod sa Metro Manila?

Huli na ang Lungsod Quezon sa mga siyudad na nagpatupad ng pagbabago sa binabayarang amilyar.

Ano ang pagkakaiba sa 2017 fair market value kumpara sa dating sinisingil na 1996 fair market value sa lungsod?

Sa pangkalahatan, ang fair market value ng 2017 ay sumasalamin sa pagbabago sa halaga ng lupa sa Quezon City kumpara sa 1996 fair market value na siya munang ipinatupad noong 2018 hanggang 2022.

Saan gagamitin ang makakalap na karagdagang pondo mula sa RPT?

Ang malilikom mula sa real property tax ay napupunta sa barangay share, special education fund, at general budget ng lungsod o city share.

Ano ang pakinabang ng QCitizen sa pagbabago sa binabayarang fair market value sa lungsod?

Malaki ang magiging pakinabang ng lungsod sa adjustment sa fair market value lalo sa pagpapalawig ng mga proyekto at programang pangkalusugan, pang-edukasyon, at iba pang social services programs ng lokal na pamahalaan na naaayon din sa 14-point agenda ni Mayor Joy Belmonte.

Paano ang proseso ng pagbabayad ng RPT?

Sagot: Maaaring magtungo sa City Hall para sa assessment at pagbabayad ng amilyar. Maaari ding magtungo sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/ para sa online process.

Saan puwedeng magbayad ng RPT?

Maaaring magbayad sa City Hall, o sa mga branches/satellite offices, e-wallet gaya ng Maya at GCash, at sa mga bangko gaya ng Landbank at Union Bank.

Hanggang kailan pwedeng magbayad ng RPT na may discount?

Maaaring magbayad ng amilyar bago ang March 31, 2024 para makakuha ng 10% discount sa annual payment.

Award 2
Award 1
Stevie Awards - Asia Pacific 2024 Gold Winner
Seal of Registration - National Privacy Commission
Seal of Certification TUV Rheinland ISO 9001:2015
Skip to content