Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Good news, QCitizens!
Itinanghal na GRAND WINNER ang Feast Celebration of Our Lady of La Naval sa Pearl Award 2025 sa ilalim ng kategoryang Best Tourism Event: Religious Festival.
Ginanap ang awarding ceremony sa idinaos na 2025 National Convention ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) sa Baguio City.
Bukod dito ay kinilala rin ang 5 pang tourism programs ng Quezon City.
Kasalukuyang ipinagdiriwang sa lungsod ang kapistahan ng Mahal na Birhen.
Noong 1973, sa bisa ng City Resolution 9645-S73, idineklara ng Quezon City Government ang La Naval de Manila bilang patron ng lungsod.
Viva La Naval!




