Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Viva la Virgen! Viva La Naval! ![]()
![]()
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng La Naval sa Sto. Domingo Church, bilang bahagi ng pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birhen.
Kasunod ng banal na misa, sumama ang alkalde sa libo-libong deboto sa grand procession sa kahabaan ng Sto. Domingo Avenue, Dapitan Street, D. Tuazon Avenue, at Quezon Avenue.
Dumalo rin sa pagdiriwang sina Chief of Staff Rowena Macatao, mga District Action Officer, at QC Tourism Department Head Giana Barata.
Sa paggabay ng Mahal na Ina, nawa’y patuloy na mapalalim ang pananampalataya, katatagan, at mapalaganap ang malasakit sa kapwa ng bawat pamilyang QCitizen.










