THANK YOU, PRINCIPALS!
Personal na pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang 158 school principals ng mga public schools sa Lungsod Quezon ngayong araw.
Ayon sa Alkalde, malaki ang kontribusyon ng bawat punong guro at mga guro ng QC schools sa matagumpay sa pagtatapos school year at ang idinaos na National and Local Elections.
Ipinangako rin ng Alkalde na magpapatuloy ng mga education programa ng lokal na pamahalaan lalo na ang mas pinalawak na scholarship programs, libreng school supplies para sa lahat ng mag-aaral, at pagpapaunlad ng mga school facilities sa QC.




