Viva Señor Santo Niño!
Sama-samang ipinagdiriwang ng mga QCitizen ang kapistahan ng Sto. Niño de Bago Bantay sa District 1.
Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa ng Diocesan Shrine of Sto. Niño Parish ang Fiesta Mass sa pangunguna ni Diocese of Cubao Bishop Most Rev. Elias Ayuban Jr.
Bago ang Fiesta Mass, iba-ibang aktibidad na ang isinagawa ng simbahan tulad ng Dalaw Patron sa Kyusi, Kumpilang Dambana, at Novena Mass mula January 9 hanggang January 17.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa misa, kasama sina Minority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, Coun. TJ Calalay, Coun. Bernard Herrera, Coun. Joseph Juico, Coun. Nikki Crisologo, Coun. Charm Ferrer, at mga opisyal ng mga barangay sa District 1.








