Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy Fiesta, Barangay Masambong!
Sama-samang ipinagdiriwang ng mga residente, at mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalaan ang kapistahan ng Most Holy Redeermer Parish sa Barangay Masambong.
Nagsilbing Hermana Mayor sa Fiesta Mass si Mayor Joy Belmonte, kung saan mga Hermano at Hermana naman sina Coun. TJ Calalay, Coun. Nikki Crisologo, Coun. Charm Ferrer, Coun. Dorothy Delarmente, Coun. Bernard Herrera, at Coun. Joseph Juico. Naroon din si Coun. Mikey Belmonte, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte.
Pinangunahan ni Diocese of Cubao Bishop Most Rev. Elias Ayuban Jr. ang misa, na paggunita rin sa ika-800 taong Pagbalik ni San Francisco ng Asisi sa Dakilang Manunubos na Siyang Hantungan ng Lahat.










