Nagsagawa ng Final Follow through Coaching at Mentoring para sa Child Budget and Expenditure Tagging Tool (CBETT) ang Quezon City Government katuwang ang Council for the Welfare of Children (CWC), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Bureau of Local Government Finance (BLGF).
Nakiisa si Social Services Development Department OIC Lorelei Salvador upang talakayin ang pagpapatupad ng CBETT at mabigyan ng rekomendasyon ang lungsod kaugnay ng paglalaan ng pondo para sa mga serbisyo at programa sa kabataan.
Ang CBETT ay isang mahalagang mekanismo upang masuri kung sapat at epektibo ang alokasyon ng budget ng pamahalaan para sa mga bata.
Sa pamamagitan ng CBETT, natitiyak na ang bawat pondong inilalaan ay nakatutugon sa kanilang pangangailangan.










