Inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) ang distribusyon ng P15,000 financial aid para sa mga micro rice retailers sa Commonwealth Market, Quezon City ngayong araw.
Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang national government sa pagbibigay malasakit at suporta sa mga rice retailers sa Lungsod Quezon. Binigyang importansya din ng Alkalde ang mga retailers sa pang-unawa at agarang pagsunod sa price cap upang makatulong sa mga kapwa nila QCitizens.
Sa kabuuan, aabot sa higit 400 rice retailers sa QC ang makatatanggap ng tulong pinansyal ayon sa DSWD.
Present sa kick-off distribution sila DSWD Secretary Rex Gatchalian, Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, DTI Director Fhillip Sawali, Business Permits And Licensing Department head Margie Santos, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at Bgry. Commonwealth P/B Manuel Co.