Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang tulong na ipinaabot ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list para sa mga residente ng Barangay Bagong Silangan na sinalanta ng Bagyong #CarinaPH.
Nakatanggap ang higit sa 2,000 pamilyang tumutuloy sa evacuation center ng tulong pinansyal, DSWD relief goods, groceries, bigas, hot meals, at maiinom.
Dumalo rin sa distribusyon sina District 2 Rep. Ralph Tulfo, House Committee on Appropriations Chair Rep. Elizaldy Co, at Punong Barangay Willy Cara.