Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na nag-abot ang Quezon City Government ng financial assistance sa 130 pamilyang nasunugan noong nakaraang linggo.
Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong-pinansyal ang mga nasunugan sa Barangay Batasan Hills, Paltok, Payatas, Bagbag, Sauyo, Commonwealth, at Pasong Tamo.
Bawat may-ari ng bahay ay nabigyan ng P10,000, habang P5,000 naman ang natanggap ng mga renter o sharer. Binigyan na rin sila ng food packs at material assistance.









