Nagbigay ng livelihood assistance ang Quezon City Government sa mga tindero at tindera na nasunugan mula sa Barangay E. Rodriguez.
Aabot sa 81 vendors ang nabigyan ng tulong pinansiyal ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Social Services Development Department.
Kinumusta naman ni Mayor Joy Belmonte ang mga vendor na naging biktima ng sunog at siniguro na handang umalalay ang QC upang sila ay makabangon muli.
Kasama ng alkalde sina SSDD head Carol Patalinghog at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.




